Suring Pelikula : The Healing
I. Pamagat: The
Healing
Direktor:
Chito S. Roño
II. Mga Tauhan:
1. Vilma Santos -
bilang si Seth, ang pangunahing tauhan
2. Kim Chiu - bilang si Cookie, kapatid ni Jed sa parehong tatay
3. Martin del Rosario -
bilang si Jed, anak ni Seth at kapatid
ni Cookie
4. Daria Ramirez - bilang si Manang Elsa – ang tagagamot o
“faith healer”
5. Jhong Hilario -
bilang si Dario, ang binuhay at ginamot ni Manang Elsa at siya rin ang puno’t
dulo ng kamatayan ng mga tao sa pelikula.
6. Joel Torre - bilang si Melchor, ang kapatid ni
manang elsa, ang pumatay kay Dario sa bandang huli ng Pelikula.
7. Janice de Belen - bilang si Cita, ina ng batang nagpa
faith healing
8. Pokwang - bilang Alma, isang med tech na
nagtatrabaho sa Dubai na nagpa faith healing din.
III. Buod ng Kwento
Sa
simula pa lamang ng pelikula ay marami na ang dumarayo sa bahay ni Manang Elsa
para magpagamot. Marami kasi sa mga tao ang naniniwala sa panggagamot ni Manang
Elsa na tinatawag na “faith healing”. Dahil sa marami nang tao ang nagamot ay
dinala ni Seth ang kanyang tatay at pinasubok ang nasabing panggagamot.
Gumaling naman ito at bumuti rin ang pakiramdam. Nang nalaman na gumaling ang
tatay niya’y dinala din niya ang ibang kasamahan para malunasan ang kanilang
karamdaman.
Sa
kabila ng kagalingan ng iba’t ibang karamdaman ay kasawian at kamatayan ang
naging kapalit nito. Ito’y dahil kay Dario, ang binuhay ni Manang Elsa mula sa
kamatayan. Siya ang sanhi ng lahat-lahat ng mga problema at kinailangan putulin
ang sumpang ito. Tanging kamatayan lamang ni Dario ang magiging lunas sa
lahat-lahat ng mga pangyayari.
Sa
dulo ng kwento ay natigil ang sumpa dahil sa pagpatay ni Melchor- kapatid ni
Manang Elsa- kay Dario sa kulungan. Tanging si Cookie lamang ang nabuhay at
nakaligtas sa kamatayan sa lahat ng nagpa healing kay Manang Elsa.
IV. Banghay ng mga
Pangyayari
Ang
pangunahing tauhan sa pelikula na si Seth ang nagdala ng mga kasamahan niya kay
Manang Elsa para magpa-healing o magpagamot. Lahat ng mga kasamahan niya’y
bumuti ang kalagayan ngunit higit pa sa pagiging mabuti ang naging kapalit sa
kanila. Isa-isa silang namatay tuwing nakikita nila ang kanilang “doppleganger”,
simulasa unang nagpahealing at sunod-sunod na. Ang tanging sagot sa problemang
ito ay ang pagkakamatay muli ni Dario.
Ang
pagkakabuo ng pelikula ay mahusay at maganda dahil madaling naiintindihan ang
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari, at meron talagang parte na epektibo ang
paggulat sa mga manonood. Totoong
hindi hinabi ang pelikula para lamang manggulat at manakot sa mga manonood,
pagkat maliwanag na may kuwento itong
isinasalaysay. Maihahambing na rin sa mga pelikulang imported at nakahihigit ang kalidad ang
pagkakagamit ng videography effects
sa The Healing. May
panlaban rin pala ang Pilipinas sa ganitong mga genre.
V. Paksa/ Tema
“
Tayo mismo ang haharap sa magiging bunga ng ating mga aksyon. ”
Ang
pinahihiwatig ng temang ito ay kung may papasukin tayong sitwasyon ay dapat handa
natin itong harapin. Dapat din nating siguraduhin na kakayanin natin ito at
kung nasimulan na ay dapat din itong tapusin.
Katulad sa pelikula, ang mga taong nagpa “healing”
mismo ang nagdusa dahil hindi muna nila inalam kung ano ang magiging
kahihinatnan ng kanilang pagpapagamot. Dapat ay inalam nila kung saan nagmumula
ang sumpa upang kaagad itong masolusyunan.
VI. Cinematograpi
Ang
uri ng pelikula na aming napanood ay suspense thriller.Ang pagkagawa ng
pelikula ay sinadya para takutin o gulatin ang mga manonood ngunit meron talagang
ibang parte na hindi masyadong kumbinsing at hindi makatotohanan. Sa kabila
nito ay mabisa pa rin ang pelikula dahil maiintindihan talaga ang bawat
pangyayari at ang pokus sa bawat tauhan ay pantay at nababagay sa nangyayaring
eksena. Ang ginamit din na mga tunog ay talagang epektibo dahil angkop sa dapat
mangyari o nangyayari na. Totoong hindi hinabi ang pelikula para lamang manggulat at
manakot sa mga manonood, pagkat maliwanag na may kuwento itong
isinasalaysay. Maihahambing na rin sa mga pelikulang imported at nakahihigit ang kalidad ang
pagkakagamit ng CGI (computer
generated images) sa The
Healing, bagama’t wala itong bagong naidagdag sa genre.
VII. Mensahe
“
Huwag magpadalos-dalos sa anumang gagawing desisyon. Alamin muna ang sanhi at magiging bunga nito hindi lamang sa
ikabubuti ng iyong sarili kung hindi pati na rin sa kabutihan ng ibang tao. ”
VIII. Konlusyon at
Rekomendasyon
Sa
kabuuan, ang pelikula ay naghatid ng iba’t ibang mensahe na mahalaga at mga
impormasyon kailangang malaman. Kung kaya’y maiirekomenda ko ito sa iba na
hindi pa nakapanood lalo na sa mga estudyante para alam din nila ang mga
nangyayari sa kanilang paligid at para na rin sa kanilang pag-aaral na hindi
lamang dapat hanggang sa apat na sulok ng silid-aralan. Makakatulong din ang
pelikulang ito sa pagsagot sa mga hinuha o kaisipan ng ibang tao katulad sa
tamang paraan ng pagpapagamot.