Suring Pelikula : The Healing
I. Pamagat: The
Healing
Direktor:
Chito S. Roño
II. Mga Tauhan:
1. Vilma Santos -
bilang si Seth, ang pangunahing tauhan
2. Kim Chiu - bilang si Cookie, kapatid ni Jed sa parehong tatay
3. Martin del Rosario -
bilang si Jed, anak ni Seth at kapatid
ni Cookie
4. Daria Ramirez - bilang si Manang Elsa – ang tagagamot o
“faith healer”
5. Jhong Hilario -
bilang si Dario, ang binuhay at ginamot ni Manang Elsa at siya rin ang puno’t
dulo ng kamatayan ng mga tao sa pelikula.
6. Joel Torre - bilang si Melchor, ang kapatid ni
manang elsa, ang pumatay kay Dario sa bandang huli ng Pelikula.
7. Janice de Belen - bilang si Cita, ina ng batang nagpa
faith healing
8. Pokwang - bilang Alma, isang med tech na
nagtatrabaho sa Dubai na nagpa faith healing din.
III. Buod ng Kwento
Sa
simula pa lamang ng pelikula ay marami na ang dumarayo sa bahay ni Manang Elsa
para magpagamot. Marami kasi sa mga tao ang naniniwala sa panggagamot ni Manang
Elsa na tinatawag na “faith healing”. Dahil sa marami nang tao ang nagamot ay
dinala ni Seth ang kanyang tatay at pinasubok ang nasabing panggagamot.
Gumaling naman ito at bumuti rin ang pakiramdam. Nang nalaman na gumaling ang
tatay niya’y dinala din niya ang ibang kasamahan para malunasan ang kanilang
karamdaman.
Sa
kabila ng kagalingan ng iba’t ibang karamdaman ay kasawian at kamatayan ang
naging kapalit nito. Ito’y dahil kay Dario, ang binuhay ni Manang Elsa mula sa
kamatayan. Siya ang sanhi ng lahat-lahat ng mga problema at kinailangan putulin
ang sumpang ito. Tanging kamatayan lamang ni Dario ang magiging lunas sa
lahat-lahat ng mga pangyayari.
Sa
dulo ng kwento ay natigil ang sumpa dahil sa pagpatay ni Melchor- kapatid ni
Manang Elsa- kay Dario sa kulungan. Tanging si Cookie lamang ang nabuhay at
nakaligtas sa kamatayan sa lahat ng nagpa healing kay Manang Elsa.
IV. Banghay ng mga
Pangyayari
Ang
pangunahing tauhan sa pelikula na si Seth ang nagdala ng mga kasamahan niya kay
Manang Elsa para magpa-healing o magpagamot. Lahat ng mga kasamahan niya’y
bumuti ang kalagayan ngunit higit pa sa pagiging mabuti ang naging kapalit sa
kanila. Isa-isa silang namatay tuwing nakikita nila ang kanilang “doppleganger”,
simulasa unang nagpahealing at sunod-sunod na. Ang tanging sagot sa problemang
ito ay ang pagkakamatay muli ni Dario.
Ang
pagkakabuo ng pelikula ay mahusay at maganda dahil madaling naiintindihan ang
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari, at meron talagang parte na epektibo ang
paggulat sa mga manonood. Totoong
hindi hinabi ang pelikula para lamang manggulat at manakot sa mga manonood,
pagkat maliwanag na may kuwento itong
isinasalaysay. Maihahambing na rin sa mga pelikulang imported at nakahihigit ang kalidad ang
pagkakagamit ng videography effects
sa The Healing. May
panlaban rin pala ang Pilipinas sa ganitong mga genre.
V. Paksa/ Tema
“
Tayo mismo ang haharap sa magiging bunga ng ating mga aksyon. ”
Ang
pinahihiwatig ng temang ito ay kung may papasukin tayong sitwasyon ay dapat handa
natin itong harapin. Dapat din nating siguraduhin na kakayanin natin ito at
kung nasimulan na ay dapat din itong tapusin.
Katulad sa pelikula, ang mga taong nagpa “healing”
mismo ang nagdusa dahil hindi muna nila inalam kung ano ang magiging
kahihinatnan ng kanilang pagpapagamot. Dapat ay inalam nila kung saan nagmumula
ang sumpa upang kaagad itong masolusyunan.
VI. Cinematograpi
Ang
uri ng pelikula na aming napanood ay suspense thriller.Ang pagkagawa ng
pelikula ay sinadya para takutin o gulatin ang mga manonood ngunit meron talagang
ibang parte na hindi masyadong kumbinsing at hindi makatotohanan. Sa kabila
nito ay mabisa pa rin ang pelikula dahil maiintindihan talaga ang bawat
pangyayari at ang pokus sa bawat tauhan ay pantay at nababagay sa nangyayaring
eksena. Ang ginamit din na mga tunog ay talagang epektibo dahil angkop sa dapat
mangyari o nangyayari na. Totoong hindi hinabi ang pelikula para lamang manggulat at
manakot sa mga manonood, pagkat maliwanag na may kuwento itong
isinasalaysay. Maihahambing na rin sa mga pelikulang imported at nakahihigit ang kalidad ang
pagkakagamit ng CGI (computer
generated images) sa The
Healing, bagama’t wala itong bagong naidagdag sa genre.
VII. Mensahe
“
Huwag magpadalos-dalos sa anumang gagawing desisyon. Alamin muna ang sanhi at magiging bunga nito hindi lamang sa
ikabubuti ng iyong sarili kung hindi pati na rin sa kabutihan ng ibang tao. ”
VIII. Konlusyon at
Rekomendasyon
Sa
kabuuan, ang pelikula ay naghatid ng iba’t ibang mensahe na mahalaga at mga
impormasyon kailangang malaman. Kung kaya’y maiirekomenda ko ito sa iba na
hindi pa nakapanood lalo na sa mga estudyante para alam din nila ang mga
nangyayari sa kanilang paligid at para na rin sa kanilang pag-aaral na hindi
lamang dapat hanggang sa apat na sulok ng silid-aralan. Makakatulong din ang
pelikulang ito sa pagsagot sa mga hinuha o kaisipan ng ibang tao katulad sa
tamang paraan ng pagpapagamot.
Kyle lauren B. Aninang IV-Aries
TumugonBurahinI. Pamagat : The Healing
Pelikula ni Chito S. Rono
II. Mga Tauhan:
1. Vilma Santos- gumanap bilang si Seth, ang susi sa mga pangyayari
2. Martin del Rosario- gumanap bilang si Jed, ang anak ni Seth
3. Kim Chiu- gumanap bilang si Cookie, may sakit na kapatid ni Jed na nagpafaith healing
4. Daria Ramirez- gumanap bilang si Manang Elsa, ang manggagamot o faith healer
5. Jhong Hilario- gumanap bilang si Dario, ang taong binuhay ni Manang Elsa
6. Janice de Belen- gumanap bilang si Cita, ina ng batang nagpafaith healing
7. Pokwang- gumanap bilang si Alma, nagka-sakit sa paa at faith healing din
8. Joel Torre- gumanap bilang si Melchor, ang kapatid ni Manang Elsa at katulong sa panggagamot
III. Kwento
Ang “ The Healing ay isang istorya ng Pilipinong Tradisyon na kung saan ipinapakita ang labis na paglapit ng mga taong may sakit sa ibat-ibang pamamaraan upang gumaling lamang.Sa kwento, isang balita ang kumalat na may isang milagrosong babae na nanggagamot ng kahit anong sakit. Dinarayo siya dahil sa hindi mabilang na mga taong gumaling sa kanyang panggagamot kabilang na ditto ang ama ni Seth ( Vilma Santos), kaya ang kanyang mga kaibigan ay nagpatulong upang magpa gamot. Ngunit matapos na sila ay magamot, naging kabayaran naman nito ang kanilang buong buhay.
Sa huli ay natapos lamang ang sunod-sunod na patayan dahil sa pagkakamatay ng taong hindi na dapat binuhay pa ng faith healer na si Manang Elsa.
IV. Banghay ng Kwento
Sa simula ng kwento ay bantag na faith healer ang babaeng si Manang Elsa, kilala siya bilang isang milagrosong babae na kayang pagalingin ang ibat-ibang taong may sakit kaya naman dinarayo siya ng mga taong galing pa sa malalayong lugar. Si Seth, may amang na stroke at hindi na makatayo, dinala ni Seth ang kanyang ama kay Manang Elsa at himala namang gumaling ito. Dahil sa pangyayaring ito, sumama ang mga kaibigan ni Seth sa kanya upang magpafaith healing din kasama si Cookie na kapatid ni Jed sa ama. Dahil sa pananampalataya ay agarang gumaling ang mga ito. Ngunit sa hindi inaasahang mga pangyayari at sa hindi malamang dahilan ay biglang nagiba ang kanilang mga ugali, isa-isa silang nagpapakamatay at pumapatay ng ibang tao.Dahil sa tuloy-tuloy na mga pangyayaring ito minabuti ni Seth n pumunta kay Manang Elsa, doon niya nalaman na patay na pala ito, siya ay pinatay ni Dario, ang taong binuhay ni Manang Elsa. Si Dario ay sinasabing kinuha nang Dyablo dahil hindi na dapat siya mabuhay kaya ang bawat buhay na kanyang nakukuha ay inaalay niya sa Dyablo.Natigil lamang ang sumpa ng si Cookie, ay binantayan nina Jed at Seth ng magdamagan upang hindi siya malapitan ng kanyang Dople Ganger. Hanggang sa sumapit ang kaarawan ni Seth, doon na sila nagharap ng Dople Ganger ni Cookie, ngunit naman pigilan naman kaagad dahil pinatay ni Melchor si Dario sa loob ng piitan niya. Doon lamang natigil ang sumpa at doon nagtapos ang kuwento.
Cont............ Kyle Aninang
TumugonBurahinV. Paksa/Tema
Maraming bagay sa mundo ang hindi kayang maipaliwanag ng simpleng siyensya kaya dapat tayo ay mas maging mapanuri sa mga bagay-bagay na nangyayari sa ating paligid. Kailangan din nating manalig sa ating panginoon sa araw-araw dahil siya lang ang nakaka-alam ng lahat ng mga pangyayari at mga mangyayari pa lamang sa ating buhay. Mas maganda rin kung marunong tayong rumespeto sa lahat ng ating mga nakakasalamuha sa pangaraw-araw nating pamumuhay dahil lahat ay may importansya sa paningin ng diyos
VI. Cinematograpo
Magaling ang pagkaka-gawa ng pelikulang “The Healing”. Nailalahad sa pelikulang ito ang pagiging natural ng mga gumanap na actor sa pagbibigay ng hustisya sa kanilang ginagampanang parte sa ikagaganda ng pelikula. Ngunit sa pangkalahatan hindi naging maganda ang paglapat ng mga ilaw, dahil nagmukhang luma ang pelikula sa iba nitong parte, hindi rin naging malinaw ang ibang tunog dahil sa may mga kahinaan ito. Nabawi naman ito sa magandang pagkaka-arte ng mga actor ang buong istorya kaya nagawang maging kagulat-gulat at nakakatakot ang pelikula.
VII. Mensahe
Maging bukas sa mga bagong ideya na maaring kaharapin sa pangaraw-araw,hindi lahat ng bagay ay naipapaliwanag ng siyensya kaya dapat respetuhin natin ang mga bagong kaalaman na maari nating matuklasan sa ating paglalakbay sa landas ng buhay.
VIII. Rekomendasyon at Konklusyon
Ang pelikulang ito ay naglalahad sa mga manonood ng ibat-ibang mensahe na maaring matutuhan sa panonood nito, nakakapaghahatid pa ito ng kakaibang katatakutan at kababalaghan na hindi malayong mangyari sa totoong buhay. Kaya sa kabuuan inererekomenda ko ito sa ibang mga manonood dahil maraming makukuha sa simpleng panonood ng pelikulang ito.
V. Paksa/Tema:
TumugonBurahinMaraming bagay sa mundo ang hindi kayang maipaliwanag ng simpleng siyensya kaya dapat tayo ay mas maging mapanuri sa mga bagay-bagay na nangyayari sa ating paligid.
MATANGLAWIN!
Ano po yung Bisa sa damdamin at sa isip pati na din po yung teoryang ginamit
TumugonBurahinSuring pelikula :The Croods
TumugonBurahinTagpuan ng kwento
TumugonBurahinTAGPUAN ng kwento
BurahinDiyagolo ng mga tauhan
TumugonBurahinMaganda
TumugonBurahinano po ang tunog na ginamit dito
TumugonBurahin