Martes, Oktubre 14, 2014

Ang pagsusuri sa pelikulang "The Healing" ni Chito S. Roño

Suring Pelikula : The Healing


                       I. Pamagat: The Healing
     Direktor: Chito S. Roño
                       II. Mga Tauhan:
1.     Vilma Santos         - bilang si Seth, ang pangunahing tauhan
2.  Kim Chiu           - bilang si Cookie, kapatid ni Jed sa parehong tatay                         
3.     Martin del Rosario - bilang si Jed,  anak ni Seth at kapatid ni Cookie
4.     Daria Ramirez         - bilang si Manang Elsa – ang tagagamot o “faith healer”
5.    Jhong Hilario        - bilang si Dario, ang binuhay at ginamot ni Manang Elsa at siya rin ang puno’t dulo ng kamatayan ng mga tao sa pelikula.
6.   Joel Torre               - bilang si Melchor, ang kapatid ni manang  elsa, ang           pumatay  kay Dario sa bandang huli ng Pelikula.
7.     Janice de Belen         - bilang si Cita, ina ng batang nagpa faith healing
8.   Pokwang                - bilang Alma, isang med tech na nagtatrabaho sa Dubai na nagpa faith healing din.

                     III. Buod ng Kwento
Sa simula pa lamang ng pelikula ay marami na ang dumarayo sa bahay ni Manang Elsa para magpagamot. Marami kasi sa mga tao ang naniniwala sa panggagamot ni Manang Elsa na tinatawag na “faith healing”. Dahil sa marami nang tao ang nagamot ay dinala ni Seth ang kanyang tatay at pinasubok ang nasabing panggagamot. Gumaling naman ito at bumuti rin ang pakiramdam. Nang nalaman na gumaling ang tatay niya’y dinala din niya ang ibang kasamahan para malunasan ang kanilang karamdaman.
Sa kabila ng kagalingan ng iba’t ibang karamdaman ay kasawian at kamatayan ang naging kapalit nito. Ito’y dahil kay Dario, ang binuhay ni Manang Elsa mula sa kamatayan. Siya ang sanhi ng lahat-lahat ng mga problema at kinailangan putulin ang sumpang ito. Tanging kamatayan lamang ni Dario ang magiging lunas sa lahat-lahat ng mga pangyayari.
Sa dulo ng kwento ay natigil ang sumpa dahil sa pagpatay ni Melchor- kapatid ni Manang Elsa- kay Dario sa kulungan. Tanging si Cookie lamang ang nabuhay at nakaligtas sa kamatayan sa lahat ng nagpa healing kay Manang Elsa.

                    IV. Banghay ng mga Pangyayari
Ang pangunahing tauhan sa pelikula na si Seth ang nagdala ng mga kasamahan niya kay Manang Elsa para magpa-healing o magpagamot. Lahat ng mga kasamahan niya’y bumuti ang kalagayan ngunit higit pa sa pagiging mabuti ang naging kapalit sa kanila. Isa-isa silang namatay tuwing nakikita nila ang kanilang “doppleganger”, simulasa unang nagpahealing at sunod-sunod na. Ang tanging sagot sa problemang ito ay ang pagkakamatay muli ni Dario.
Ang pagkakabuo ng pelikula ay mahusay at maganda dahil madaling naiintindihan ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari, at meron talagang parte na epektibo ang paggulat sa mga manonood.  Totoong hindi hinabi ang pelikula para lamang manggulat at manakot sa mga manonood, pagkat maliwanag na may kuwento itong  isinasalaysay.  Maihahambing na rin sa mga pelikulang imported at nakahihigit ang kalidad ang pagkakagamit ng videography effects sa The Healing. May panlaban rin pala ang Pilipinas sa ganitong mga genre.

                   V.  Paksa/ Tema
“ Tayo mismo ang haharap sa magiging bunga ng ating mga aksyon. ”
Ang pinahihiwatig ng temang ito ay kung may papasukin tayong sitwasyon ay dapat handa natin itong harapin. Dapat din nating siguraduhin na kakayanin natin ito at kung nasimulan na ay dapat din itong tapusin.
Katulad sa pelikula, ang mga taong nagpa “healing” mismo ang nagdusa dahil hindi muna nila inalam kung ano ang magiging kahihinatnan ng kanilang pagpapagamot. Dapat ay inalam nila kung saan nagmumula ang sumpa upang kaagad itong masolusyunan.

                    VI. Cinematograpi
Ang uri ng pelikula na aming napanood ay suspense thriller.Ang pagkagawa ng pelikula ay sinadya para takutin o gulatin ang mga manonood ngunit meron talagang ibang parte na hindi masyadong kumbinsing at hindi makatotohanan. Sa kabila nito ay mabisa pa rin ang pelikula dahil maiintindihan talaga ang bawat pangyayari at ang pokus sa bawat tauhan ay pantay at nababagay sa nangyayaring eksena. Ang ginamit din na mga tunog ay talagang epektibo dahil angkop sa dapat mangyari o nangyayari na.  Totoong hindi hinabi ang pelikula para lamang manggulat at manakot sa mga manonood, pagkat maliwanag na may kuwento itong isinasalaysay.  Maihahambing na rin sa mga pelikulang imported at nakahihigit ang kalidad ang pagkakagamit ng CGI (computer generated images) sa The Healing, bagama’t wala itong bagong naidagdag sa genre.

            VII. Mensahe
“ Huwag magpadalos-dalos sa anumang gagawing desisyon. Alamin muna ang  sanhi at magiging bunga nito hindi lamang sa ikabubuti ng iyong sarili kung hindi pati na rin sa kabutihan ng ibang tao. ”                   

            VIII. Konlusyon at Rekomendasyon
Sa kabuuan, ang pelikula ay naghatid ng iba’t ibang mensahe na mahalaga at mga impormasyon kailangang malaman. Kung kaya’y maiirekomenda ko ito sa iba na hindi pa nakapanood lalo na sa mga estudyante para alam din nila ang mga nangyayari sa kanilang paligid at para na rin sa kanilang pag-aaral na hindi lamang dapat hanggang sa apat na sulok ng silid-aralan. Makakatulong din ang pelikulang ito sa pagsagot sa mga hinuha o kaisipan ng ibang tao katulad sa tamang paraan ng pagpapagamot.